Inaasahang pag-uusapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Miyerkules, Enero 5, ang petisyon ng PDP-Laban na naglalayong muling buksan ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa May 2022 polls.

“It is very likely that it will be taken up by the en banc tomorrow,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang virtual press briefing nitong Martes, Enero 4.

“The en banc will make the determination whether or not that’s something they would like to allow. At this point the referral to the Commission en banc is being prepared,” dagdag pa niya

Inihain ng PDP-Laban wing ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang naturang petisyon noong Disyembre 31.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

|

Sinabi ng partido na dapat muling buksan ng Comelec ang paghahain ng COC at huwag ituloy ang pag-imprenta ng mga balota habang nakabinbin pa ang ilang kaso na nakakaapekto sa mga kandidato at party-list.

Ayon kay Jimenez, maaari rin isama sa pagpupulungan ang tungkol sa petisyon ng National Coalition for Life Democracy (NCLD) na naglalayong suspindihin ang botohan.

“I have not seen it included in the agenda but I can assume that it might be included tomorrow. For now, there’s no information it being included in the agenda,”  aniya.

Nauna nang sinabi ni Jimenez na walang nakikitang rason ang Comelec upang ipagpaliban ang botohan.

Leslie Ann Aquino