Opisyal na inihayag ng Department of Education (DepEd) na tatanggap sila ng mas mataas na alokasyon ngayong taon kasunod ng pag-apruba sa 2022 national budget.

Sa General Appropriations Act (GAA), P631.77 bilyon ang ibinigay sa DepEd bilang alokasyon sa bicameral level, sinabi ng ahensya sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Enero 4.

Ang halagang ito ay mas mataas ng 6.34 porsiyento kumpara sa 2021 GAA nito na P594.11 bilyon, paliwanag ng DepEd.

Sa P631.77 bilyon, ang DepEd-Office of the Secretary ay may alokasyon na P591.18 bilyon.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sinabi ng DepEd na ang mga attached agencies nito ang tatanggap ng natitirang pondo.

Samantala, ilan sa mga pangunahing programa ng DepEd ay nakitaan din ng pag-umento sa 2022 budget.

Kasama sa mga programang ito ang Learning Tools and Equipment na may P2.72-B na pagtaas; DepEd Computerization Program na tumaas ng P11.76B; at Basic Education Facilities na tumaas ng P5.94-B.

Ang badyet para sa Last Mile Schools Program ay tumaas din ng P1.51B.

Nilalayon ng Last Mile Schools Program na tugunan ang mga puwang sa mga mapagkukunan at pasilidad ng mga paaralan na matatagpuan sa geographically isolated and disadvantaged, and conflict-affected areas (GIDCA).

Bukod sa mga ito, sinabi ng DepEd na tumanggap din ng P356.83-M umento ang Madrasah Education Program. Tumaas din ng P144.3M ang budget para sa Indigenous Peoples Education (IPEd) sa 2022 budget.

Ngayong taon, sinabi ng DepEd na una na itong nagmungkahi ng kabuuang P1.37 trilyong badyet.

Merlina Hernando-Malipot