SOFIA, Bulgaria - Nakapagtala na ang Bulgaria ng unang 12 kaso ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ni chief health inspector Angel Kunchev nitong Linggo.
"We have confirmed the new variant in samples from 12 people. From now on we can expect a faster spread of the infection. Omicron will gradually become the dominant variant as it has already happened in many European Union countries," babala ng opisyal.
Sa nabanggit na bilang, siyam ang lalaki at tatlo ang babae na pawang taga-Sofia na kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansa.
Idinagdag pa ni Kunchev na nakatakdag magpulong ang mga opisyal sa Martes upang talakayin kung paiigtingin pa nila ang kanilang hakbang upang maiwasang lumaganap ang bagong variant.