Ang patakarang 'No Vaxx, No Labas' na nagbabawal sa mga hindi bakunado na umalis sa kanilang mga tahanan ay maaaring hindi sapat upang mapigil ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ngunit mas gagana kung susuportahan ng libreng mass testing na isasagawa kaagad.

Ito ang ibinigay na mungkahi ni House Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas habang ipinunto niya na kahit ang mga bakunado ay maaaring maging carrier ng 2019 coronavirus nang hindi nila nalalaman.

“Vaccinated individuals can be carriers of the virus and can still test positive for COVID-19. Kaya hindi sapat itong ‘No Vaxx, No Labas’ policy na ipapatupad sa (that will be enforced in) NCR,” sabi ni Rep. Arlene Brosas.

”The recent exponential COVID-19 surge in Metro Manila happened even when 102% of target NCR population is already vaccinated. That is why this latest MMC policy is blind to the actual situation on the ground,” pagpupunto ng mambabatas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Brosas na kung walang pinalawak at libreng mass testing, mananatili tayong bulag sa viral transmission at impeksyon sa mga nabakunahan.

Sinuportahan ng Bayan Muna chairman at dating Rep. Neri Colmenares ang argumento ni Brosas, at sinabing ang anumang restriksyon ay magiging epektibo lamang kung itataas din ang kapasidad sa testing.

Sinabi niya na ang mga eksperto sa kalusugan ng Pilipinas ay nangangailangan ng hindi bababa sa 120,000 na pagsusuri bawat araw para sa isang epektibong tugon sa Covid. Ang ating testing capacity ay kulang pa sa kalahati ng inirerekomendang numero ay hindi makakatugon nang epektibo laban sa banta ng Omicron.

“In particular, government must provide free and quick RT-PCR tests for those with Covid-19 symptoms and those exposed to positive cases. Local government units and national health agencies should ensure working hotlines where symptomatic and exposed individuals can call to get a free test and advice on quarantine protocols,” ani Colmenare na tumatakbo sa pagkasenador sa Halalan 2022.

“In the workplace, workers and employees should be tested for COVID 19 every 14 days using RT-PCR or antigen tests to ensure their safety and immediate detection of any outbreak. These tests can be fully subsidized by the government or partially shouldered by the employers to ensure compliance,” paliwanag niya pa.

“Should any worker test positive, the government must ensure that they are provided proper isolation facilities and financial and material support during the quarantine period so they need not worry about their families,” dagdag ng opposition leader.

Ben Rosario