“Hanggang kailan tayo magtitiis? Magbubulag-bulagan, hanggang kailan?”

Ito ang tanong sa kantang nilikha ni OPM pillar Ogie Alcasid para kay Presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Handa Ka Na Ba Kay Leni via Ogie Alcasid's Youtube Channel

Nitong Linggo ng gabi, Enero 2, inilabas ng award-winning singer-songwriter at music producer na si Ogie ang kantang “Handa Ka Na Ba Kay Leni” bilang hayagang pagsuporta sa kandidatura ni Robredo sa Halalan 2022.

Sa awitin, nilarawan ng batikang musikero at manunulat ang pinagdaanan ng mga Pilipino.

Dito tinanong din ni Ogie sa kanta kung hanggang kailan pa matitiis at magbubulagbulagan ang mga Pilipino sa sitwasyon ng bansa.

“Lunod na ang ating bayan, sa tindi ng mga unos. Bumangon na tayo, bumangon na tayo,” sabi ng isang bahagi ng kanta habang ipinapakita ang ilang bidyo ng pagsadya ni Robredo sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong “Odette.”

Tinukoy pa ni Alcasid bilang “bagong umaga na inaabangan at bagong pag-asa para sa ating bayan” ang kandidatura ni Robredo sa Halalan 2022.

Dito hinimok din ni Alcasid na kumilos ang lahat para sa hinaharap.