Hindi napigilan ni Kapamilya actress Maxene Magalona na supalpalin at payuhan ang mga 'Marites' na nagtatanong kung trulalu ba ang mga kumakalat na chismis na hiwalay na sila ng mister na si Rob Mananquil.

Pansin umano ng mga netizen, parang madalang na lang siyang mag-post ng litrato nila ng asawa. Kaya naman, hindi na nakapagtimpi pa si Maxene.

“I’ve been receiving A LOOOT of questions about my personal life so I would just like to share a few things which I believe we can all learn from,” ayon sa caption ni Maxene sa kaniyang Instagram account.

"1. It is not polite to ask people about their personal lives especially when you don’t know them personally. And even if you DO know them, you should give them space and wait for them to open up to you instead of prying and wanting to invade their privacy."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"2. Actors are human beings too. Even if our job entails us to be in the limelight, it doesn’t mean that we owe our private stories to the public."

"3. We all have the right to choose when and who we will share our stories with."

"4. Social media should be a safe space where we can all express ourselves healthily and authentically, choosing only what we want to share."

"5. Gossip is a form of energy leak."

"6. It’s better to spend your energy praying rather than gossiping."

"7. Inner peace is achieved when we focus on ourselves and not on the lives of others."

"8. God is love."

Sa huli, sinabi ni Maxene na masaya naman siya sa buhay niya ngayon.

“If you’re wondering why I am happy and at peace, it’s because I strengthen my connection to God everyday. I even sing to Him when I’m overflowing with gratitude."

Kaya naman paalala niya sa mga Marites, "Don’t come to my page for gossip. Come to my page for God. This is me protecting my energy and setting healthy boundaries for myself."

Marami naman sa mga netizen, lalo na ang mga tagahanga at mga tagasubaybay, ang sumang-ayon sa mga sinabi ni Maxene.

Reaksyon naman ng mga Marites, mabuti nga raw ay pinag-uusapan pa siya, dahil kung 'wapakels' na umano ang mga netizen sa kaniya, iisa lamang daw ang ibig sabihin niyon: hindi na siya sikat at wala nang interes sa kaniya ang mga tao.

Sa ngayon ay napapanood si Maxene sa teleseryeng 'Viral Scandal' sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5 at A2Z Channel 11.