Matapos maging low-risk sa loob ng mahigit isang buwan mula noong Nob. 2021, muling ikinategorya sa high-risk classification ang Pilipinas para sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 3.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing na ang kasalukuyang average ng arawang kaso ay tumaas sa 570 porsyento mula Disyembre 27 hanggang Enero 2 o pitong beses na mas mataas kaysa sa mga nakaraang linggo.

Ang epidemic curves ng mga pangunahing grupo ng isla ayon sa Veregeire ay nagsimula na ring magpakita ng mga palatandaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at ang National Capital Region (NCR) ay nagpakita ng mabilis na pagtaas sa mga kaso tulad noong mga nakaraang linggo.

“Nationally we are now at high risk case classification from low risk case class in the previous week showing a positive two week growth rate at 222 percent and a moderate risk average daily attack rate at 1.07 cases for every 100,000 individuals,” sabi ng opisyal.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Idinagdag niya na ang mga kaso sa kamakailang isang linggo ay nagpakita rin ng positibong pagtaas.

Samantala, ang kapasidad ng National Health Systems ay nasa "low risk" pa rin na may kabuuang bed utilization sa 18 porsyento na mas mataas ng dalawang porsyento kaysa sa naiulat utilization rate noong Disyembre 25 na nasa 16 porsyento habang ang Intensive Care Unit (ICU) utilization ay nasa 22 porsyento. Sa nakalipas na linggo, tumaas ng 9 na porsyento ang mga admission habang bumaba ng dalawang porsyento ang mga nakalaan na kama.

Samantala, limang rehiyon, kabilang ang Regions 4-A, Region 3, Region 9, 11 at 10 ang nagpakita ng positibong one week growth rate at two week growth rate.

Sinabi ni Vergeire na ang mga rehiyong ito ay nasa mababa hanggang katamtamang risk classficiation. Ang natitirang bahagi ng mga rehiyon ay nagpakita ng positibong pagtaas ng mga kaso sa kamakailang isang linggo habang ang healthcare utilization rates sa lahat ng mga rehiyon ay nananatiling nasa mababang panganib.

Nasa ilalim din ng high-risk case classification ang Metro Manila. Sinabi ni Vergeire na ang NCR ay nagpakita ng high risk one week growth rate at two week growth rate at moderate-risk average daily attack rate na 5.42 cases kada 100,000 populasyon. Ang kapasidad ng mga sistemang pangkalusugan sa rehiyon ay nananatiling nasa ilalim ng 50 percent utilization.

Binanggit din niya ang pagtaas ng positivity rate sa mga rehiyon o ang bilang ng mga indibidwal na nagbunga ng mga positibong resulta mula sa mga nasuri para sa COVID-19.

Aniya, ang pinakamalaking pagtaas ay nakita sa NCR kung saan ang bilang ay tumaas mula 932 hanggang 13,756 noong nakaraang linggo at sa Region 4-A na may 2,792 indibidwal na nagpositibo noong nakaraang linggo mula sa 290 lamang noong nakaraang linggo.

Sa National Capital Region, habang ang kabuuang bed utilization capacity ay nananatiling nasa mababang panganib sa 24 na porsyento, ang mga admission ay nakikitang tumataas sa kamakailang linggo.

Sa loob ng isang linggo, nakita sa NCR ang 49 porsiyentong pagtaas sa mga admission na sinamahan ng isang porsyento o 86-bed na pagtaas sa mga inilalaang kama. Katulad ng kabuuang bed admissions, ang mga admission sa ICU sa NCR ay nagpakita ng bahagyang pagtaas sa nakalipas na linggo habang ang ICU utilization rate ay nananatiling nasa mababang panganib sa pangkalahatan sa 27 porsiyentong kapasidad.

Ang ICU admissions ay tumaas ng 103 o 44 na porsyento noong nakaraang linggo, habang ang ICU bed allocationay bumaba ng 88 na kama o pitong porsyento.

Dhel Nazario