Labing-apat na indibidwal ang inaresto ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa hindi awtorisadong aktibidad ng pag-quarry sa Davao City.

Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na isinagawa ang operasyon ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) ng departamento sa Barangay Wawa matapos makatanggap ng mga ulat ng ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Ang mga naarestong suspek, ayon kay Cimatu, ay mahaharap sa legal na paglilitis sa ilalim ng Republic Act (RA) 7942, o ang Philippine Mining Act of 1995.

“Our achievements in 2021 are further bolstered with our enforcement activities, especially when it comes to anti-illegal wildlife trading, anti-illegal logging, and anti-illegal mining and quarrying activities,” sabi ni Cimatu.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naging agresibo ang ELEPS ng DENR sa paghabol sa mga lumalabag sa mga batas pangkalikasan.

Faith Argosino