Bahagya umanong bumagal ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rate sa National Capital Region (NCR) na umabot lamang sa 28.7% nitong Linggo.
Ipinaliwanag ni OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, posibleng ito’y dahil sa pagkaunti na ng mga social at mass gatherings para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
“The rapid increase in positivity rate in the NCR has slowed down, possibly due to a decrease in social and mass gatherings leading up to the New Year’s Eve,” ani David, sa kanyang Twitter account.
Bahagya lamang aniya na mas mataas ang naturang positivity rate na naitala noong Linggo kumpara sa 28.03% na naitala noong Sabado, sanhi upangmaiklasipikana ang NCR bilang "high risk" sa COVID-19.
Gayunman, ang 28.7% positive rate ay lampas na aniya sa pinakamataas na rate na naitala sa bansa noong kasagsagan ng Delta surge noong nakaraang taon, at patungo na ngayon sa pagtatala ng highest recorded positive rate na 30%.
“Nung Delta surge last year, ‘yung pinakamataas natin umabot lang tayo ng 27-28% eh. So, parang nahigitan na natin ‘yung positivity rate ng peak ng Delta surge. Pero nung March-April last year, umabot tayo ng 30% so I think mahihigitan pa natin ‘yung 30% na positivity rate,” sabi pa ni David.
Umaasa naman si David na makatutulong ang paghihigpit ng restriksiyon sa NCR, na nasa alert level 3 na simula nitong Lunes, sapagpapabagalpa ng COVID-19 transmission.
Idinagdag ni David na dahil sa mas mababang testing output ngayon, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong Lunes ay mababawasan ng 2,000 hanggang 2,500, at 3,000 hanggang 3,500 bagong kaso naman sa buong bansa.
Mary Ann Santiago