Ang booster o ang ikatlong shot ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines ay magbibigay ng hanggang 90 porsiyento na proteksyon laban sa highly transmissible na variant ng Omicron, sabi ng Vaccine Expert Panel Chairperson na si Dr. Nina Gloriani nitong Lunes, Ene. 3.
“Ang magandang balita ay ang booster, yung third dose, ay nakakapagbigay ng up to 90 percent na protection against Omicron variant. So importante po na makapag pa bakuna ang lahat,” sabi ni Gloriani sa naganap na “Laging Handa” public briefing.
Samantala, sinabi ni Gloriani na hindi pa napag-uusapan nang detalyado ng grupo ang posibilidad ng pagbibigay ng pangalawang booster o ang pang-apat na vaccine jab.
“Sa totoo lang ay hindi pa natin pinag-uusapan sa all-experts group ‘yung fourth dose. Pero of course, kailangan na nasa radar natin ‘yan.
“Sa totoo lang ay hindi pa natin pinag-uusapan sa all-experts group ‘yung fourth dose. Pero of course, kailangan na nasa radar natin ‘yan," aniya, at idinagdag na ito ay masyadong maaga upang sabihin kung ang isang booster jab bawat tatlong buwan ay kinakailangan kung isasaalang-alang ang paglitaw ng isang phenomenon na tinatawag na immune system fatigue.
Muli ring iginiit ni Gloriani na bukod sa proteksyong ibinibigay ng bakunang COVID-19, ang isang indibidwal ay nakakakuha rin ng proteksyon laban sa malubhang uri ng COVID-19 hospitalization mula sa isang cell-mediated immunity na ibinibigay ng mga T cells ng isang tao.
Charlie F. Abarca