Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Enero 4.
Pangungunahan ng Pilipinas Shell ang pagtataas ng ₱2.40 sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱1.85 naman sa presyo ng gasolina at kerosene nito.
Ayon pa sa nabanggit na kumpanya, ang dagdag-presyo sa kerosene ay hindi ipatutupad sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya gaya ng Seaoil, Caltex, Petron, Petro Gazz, Cleanfuel, PTT Philippines at Total Philippines sa kahalintulad na price adjustment.
Ito ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Noong Disyembre 21, 2021, nagpatupad din ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo na ₱0.70 sa kerosene, at ₱0.55 naman sa gasolina at diesel.
Bella Gamotea