Hindi magkamayaw ang mga Amerikano, mga Pinoy at iba pang lahi sa kakapalakpak at kakahiyaw sa bonggang performance ng American rock band na Journey na ginanap sa Time Square New York City sa USA. Ito ay para sa 50th annual “Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve” kaugnay na rin sa countdown sa pagsalubong ng 2022.
Ang lakas maka-proud sa ating kababayang si Arnel Pineda na siyang bokalista ng Journey. Bagamat napakalamig sa New York at balot na balot ang kasuutan ni Arnel pasabog pa rin ang kanyang pag-awit. Karaniwan kasing nagkakaproblema ang mga singers sa pagkanta kapag sobrang lamig ng panahon. Pero ibahin si Arnel dahil todo birit pa rin siya sa medley hits nila gaya ng “Any Way You Want It” at “Don’t Stop Believin.”
Napapakanta ang mga taong naroon, rock kung rock din sila. Hindi pa rin talaga makakalimutan ang Journey sa mga magagandang awitin ng banda. Kitang kita sa mga mukha ng mga Amerikano ang paghanga sa Journey at lalo na kay Arnel. Maging ang host ng event na si Ryan Seacrest ay high spirit na rin sa well applauded at sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa naging pagtatanghal ng Journey. Ganoon din ang kanyang co-host na si Liza Koshy ay nadala na rin sa powerful performance ng Journey.
Ibinahagi naman ng Journey sa kanilang Instagram ang mga ilang larawan ng kanilang performance. Sinabi rin nila doon ang nalalapit nilang concert tour na mag-uumpisa sa gitna ng February. For sure excited na at hindi na makapaghintay ang mga fans ng banda sa kanilang concert.
Hindi naman namiss ng mga Pinoy sa US ang buong kaganapan dahil ipinalabas ito sa TV ng live (Dec. 31 sa US) ng ET sa ABC. Kaya naman ang mga Pinoy sa US tumutok at nakapanood sa kahangang hangang performance ni Arnel at ng buong bandang Journey.
Samantala, bago ang show nagpost si Arnel ng video sa kanyang Instagram na humihingi ng sorry sa nauna niyang video na ipinost. Ang tinukoy niya ay ang madamdamin at very touching message dahil na rin sa daming nawala at nag-sakripisyo itong pandemic. Kita ang lungkot sa kanyang mukha. Infairness tinapos niya ang video ng may pagbati ng Merry Christmas na may buong pag-asa.
Bumawi naman siya sa kanyang latest video dahil maaliwalas na ang mukha ni Arnel dahil ok na siya. Inspiring words ang kanyang mga sinabi. Aniya, “You guys out there just stay faithful to your dreams to your work whatever you do for others and for yourself and just stay focused. And what you do because it’s going to take you eventually to wherever you want to go.
“I know it’s been hard. It’s been tough and I feel sorry for those who you know, who've been suffering directly due to the pandemic and just my heart really goes to them and my prayers when you heal really goes to them.
“And we cannot achieve anything like world peace or you know healing or complete I mean complete healing with this thing that we’re going through now without being one. So we have to beone together. Okay.
“That’s what I want for us. Happy New Year everyone! I love you guys and thank you so much for all your support and love for Journey. Okay. Happy 2022!”