Maging ang aktres na si Aiko Melendez ay hindi na napigilang maglabas ng kaniyang pagkabanas kay 'Poblacion Girl' na isang babaeng napabalitang lumabag sa mandatory quarantine na naging dahilan umano upang makahawa siya ng mga kagaya niyang COVID-19 positive, sa isang party na ginanap sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

Nitong Enero 2, 2022 ay ipinahayag ni Aiko ang frustration at galit kay Poblacion Girl na nagngangalang 'Gwyneth Chua'.

Aiko Melendez (Screengrab mula sa IG)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Poblacion Girl - Happy New Year???" saad ni Aiko sa kaniyang IG post.

Nagngingitngit ngayon si Aiko lalo't ang kanilang daddy ay namayapa dahil sa COVID-19.

"Today alert 3 tayo uli… Habang ang majority ng tao sinusunod talaga ang lahat ng protocols. Meron pa rin talaga ang iilan na nakakagulat they claim na me connections sa hotel? Government? Parang nakakahiya naman 'to. Kami kasi sa family namin since nawala Daddy Dan Castaneda namin nearly 1 year naging sensitive kami and mindful sa mga taong nakapaligid sa amin," saad ni Aiko.

"Kasi ang sakit-sakit sa puso ang mawalan ng tao na di mo man lang makita, mayakap or makapagpaalam. Kaya nakaugalian namin ang magpa-test kapag may puntahan kaming intimate dinner or iikot sa community. Kasi para sa amin lead by example and also malasakit sa kapwa and making sure you are negative when you mingle with people."

"For some ikot nang ikot lang, wala pakialam basta maka-ikot. Huwag n'yo antayin na lahat ng actions n'yo tapos ang balik ang di n'yo kakayanin. Kami kung naging mindful din ang mga tao sa paligid ng dad ko, he could have been alive 'til now… So reminder naman sa mga tao pigilin nyo muna ung eagerness n'yo gumimik kasi makakaantay naman yan."

Sana raw may maparusahan ng mga awtoridad si Poblacion Girl dahil sa kapabayaan nito.

"Tamo 'tong Poblacion Girl dahil sa kagustuhan magparty party tumaas na naman ang may COVID. Habang kami ang karamihan nagtitiis na di muna makita ang mga kaibigan namin sa labas dahil safety ang hanap at habol namin. Sana naman kapag natapos na ni Poblacion Girl ang quarantine n'ya sa ibang hotel, eh maturuan ng leksyon at maparusahan kasi dito na naman iiral ang palakasan sa connections, i-prove n'yo naman na walang ganito kasi ilan pa bang mahal namin ang mawawalan ng buhay dahil sa kapabayaan ng mga tao???"

Magsilbing-aral daw sana ito sa lahat na nawa daw ay matutong sumunod sa batas.

"And sana ang moral lesson dito, matuto sumunod sa mga batas… Dahil baka paggsing mo di mo kayanin ang parusa ng batas dahil lang sa kagustuhan mo lumabas… Isipin n'yo din na kapag nag-lockdown tayo uli? Start from scratch lahat ng pinagpaguran natin is put to waste."

"Wag na maging matigas ang ulo pls. Maawa na kayo mga pasaway sa ekonomiya natin. Isipin n'yo kayong mga ‘entitled' kuno kung mapapakain n'yo ba yung mga Pilipino na gutom na gutom ngayon?! Isipin n'yo rin yung pamilya na nagpipighati sa tuwing me nawawala sa pamilya namin… Please! Nakikiusap po kami."

Nauna nang maglabas ng open letter ang batikang direktor na si Jose Javier Reyes para kay Poblacion Girl.