Hindi pa rin makapaniwala si Miss Universe 2017 Rachel Peters na simula niyang naranasan ang biyaya ng pamilya noong 2021.
Sa kanyang post sa Instagram noong Sabado, Enero 1, nagbalik-tanaw ang former beauty queen na itinuring niyang “weird” na taon ng 2021.
“Still can’t believe this is real Little Kaia Rose has brought so much colour to our lives and I’ll forever be grateful for the weird year that was 2021, and for everyone who was a part of it,” ani Rachel kalakip ang larawan ng kanyang pamilya.
Puno naman ng pag-asa si Rachel sa pagbubukas ng taon kung saan ilang “firsts” ang inaasahan niyang maranasan.
“This new year will be full of firsts for us and my heart is bursting with love just thinking about all the amazing times ahead of us. I hope 2022 is filled with warm, sunny days, happiness and many opportunities to hug your nearest and dearest close,” sabi ng dating beauty queen.
Kamakailan ay proud pang ipinakita ng first-time mom ang kanyang super fit pa ring pangangatawan matapos manganak.
“Took an hour to myself this morning to pump, clean some bottles, caught some rays while having a coffee, worked out, checked my messages, spent time with Migz and even had a full shabang shower. Then it took me two hours to post this because Kaia literally won’t nap for more than 10 minutes on her own,” ani Rachel sa Instagram kalakip ang isang larawang makikita ang halos walang bakas ng panganganak na kanyang katawan.
Ikinasal noong Hulyo 2021 si Rachel sa modelo at politikong si Migz Villafuerte at nagkaroon sila ng supling sa parehong taon.
Si Rachel ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2017 kung saan umabot siya bilang isa sa Top 10 finalists.