Mananatiling bukas ang mga sinehan sa Metro Manila sa kabila ng pagbabago ng COVID-19 alert status sa rehiyon mula 2 hanggang 3, ayon sa Movie and Television and Classification Board (MTRCB) nitong Linggo, Enero 2.

Magkakabisa ang bagong alert level sa Kamaynilaan mula 3 hanggang Enero 15, 2022.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga indoor movie theaters ay pinapayagang mag-operate sa maximum capacity na 30 percent para sa mga ganap na bakunadong indibidwal.

Samantala, papayagang mag-operate ang mga outdoor movie cinemas sa 50 percent capacity.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Muling iginiit ng MTRCB na dapat sundin ang mga minimum public health protocols tulad ng wastong pagsusuot ng mask at pagsunod sa social distancing sa mga sinehan.

“We appeal to the viewing public to be a ‘responsableng manonood’ (responsible moviegoers) by observing minimum public health standards,”sabi ng MTRCB.

“Likewise, we encourage all to get vaccinated against coronavirus disease (COVID-19) through your local government units. Together, we shall make 2022 a healthier, safer, and prosperous year for everyone,” dagdag nito.

Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Disyembre 31, 2021, ang Metro Manila sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang Enero 15, 2022 bilang pag-iingat sa higit pang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng kamakailang spike ng mga impeksyon.

Charlie Mae F. Abarca