'Wapakels' o walang pakialam ang beteranang aktres na si Rita Avila sa mga bashers na pumupuna sa kulay-pink niyang pasta na inihanda niya noong holiday seasons, at tinawag niyang 'Leni Kiko spaghetti'.

Si Rita ay isa sa mga celebrities na sumusuporta sa tambalang VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan bilang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, sa darating na halalan 2022.

“My Leni Kiko Spaghetti! #lenikiko2022 #spaghetti #pink,” saad niya sa caption ng kaniyang FB post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Rita Avila

Kahit mga asong-kalye raw ay hindi kakainin ang naturang spaghetti dahil sa kulay nito.

Agad naman siyang dumipensa sa isa pang FB post nitong Disyembre 28, 2021.

"Sa kaka-baboy ng mga trolls at supporters ng iba sa Leni Kiko spaghetti ko, natakot ako na baka isang araw, ganon kababoy ang kakainin nila dahil sa sobrang gutom," aniya.

"This was made with fun and love. Kahit ano pang paninira ang gawin n'yo ay hindi n'yo matatanggal ang fun and love sa akin. Kayo 'yan. Enjoy your disrespect for food just because Leni Kiko ito."

Screengrab mula sa FB/Rita Avila

May be an image of food
pink Leni Kiko spaghetti (Screengrab mula sa FB/Rita Avila)

Nitong Disyembre 31 naman ay nagpasalamat si Rita sa mga netizen na nagtanggol sa kaniyang pink spaghetti. Aminado umano siyang weird nga ang kaniyang ginawa subalit ito ay ginawa niya nang may pagmamahal kaya masarap ito.

"Salamat sa mga nagtanggol sa aking inimbentong Leni Kiko pasta na hindi kailanman ma-aappreciate ng hindi Kakampink. Understandable naman," aniya.

"Weird naman talaga pero ginawa ng may saya, pagmamahal at pagsuporta."

"Sa mga naging masama dahil sa imbentong 'yun, sorry kung sa galit n'yo ay naging ganun kayo. Isipin n'yo ang kumakain mula sa basura. Isipin n'yo yung walang makain. Ang pagkain ay pagkain."

"Noon, naging vegetarian ako pero noong may nagsabi sa akin na mukha raw cardboard ang kinakain ko, umiyak ako. Sabi ko, 'pagkain ko 'yan.”

"If we give thanks to the Lord for the food on our table, we give respect as well."

Screengrab mula sa FB/Rita Avila

"Happy New Year sa inyong lahat. Let us all be grateful."