Nakatakda nang buksan ng San Juan City government ngayong Lunes, Enero 3, 2022, ang registration para sa COVID-19 vaccination ng mga batang nasa 5 hanggang 11-anyos sa kanilang lungsod.
Sa isang paabiso nitong Linggo, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na bubuksan na nila ang registration para sa naturang age group ngayong Lunes, kasabay nang pagpapaturok niya ng booster shot laban sa COVID-19.
“They have already rolled out the vaccination in other countries and we are hopeful that the IATF (Inter-Agency Task Force) and DOH (Department of Health) will soon come up with its protocols and by the time that they give the go signal, we want to be ready to roll out our vaccination right away,” anang alkalde, at idinagdag na, “we are being proactive to protect the children especially since they are allowed to go out in public and face-to-face classes are slowly being implemented.”
Samantala, sinabi rin ng alkalde na tatanggapin na niya ang kanyang booster shot ngayong Lunes sa FilOil Flying V Center.
Nabatid na ang kanyang second dose ng bakuna ay natanggap niya noong Mayo kaya’t maaari na siyang tumanggap ng booster shot.
“I got my second dose of vaccine more than six months ago already so I will be getting my booster shot to protect myself, my family and loved ones, my constituents and the people around me from COVID-19,” dagdag pa ng alkalde.
Umapela rin siya sa kanyang mga constituents na hindi pa nakakapagpa-booster shot na magrehistro na sa kanilang vaccine registration portal at magpabakuna na.
“To my beloved San Juanenos, if you got your second dose more than three months ago, I urge you to get your booster shots already because the protection you received from your initial doses has started to wane,” panawagan pa niya.
Sa kasalukuyan, nagkakaloob na ang lungsod ng booster shots sa lahat ng eligible population mula sa lahat ng kategorya, maging residente man sila o hindi ng San Juan City.
Mary Ann Santiago