Pansamantalang isasara ang Ospital ng Malabon para sa mga outpatient at COVID-19 case simula Enero 2-4, anunsyo ng pamahalaang Lungsod ng Malabon nitong Sabado, Enero 1.
Ito ay kasunod ng disinfection at swab testing na isasagawa sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19 ang 19 medical frontliners.

Mayroon ding 40 kawani na patuloy ring binabantayan sa ngayon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring bumisita sa Super Health Center na matatagpuan sa Barangay Catmon ang mga outpatient at mga residenteng may mga kaso na walang kaugnayan sa COVID-19.
Sinabi rin nito na maaaring makipag-ugnayan ang mga residente sa Malabon Command Center at tignan ang Facebook page ng lungsod para sa karagdagang anunsyo.
Homer Dioquino