Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,600 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Enero 2, 2022.
Batay sa case bulletin #659, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,851,931 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.8% na ulit o 21,418 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 15,644 ang mild cases; 3,081 ang moderate cases; 1,589 ang severe cases; 769 ang asymptomatic at 335 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 535 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,778,943 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.4% ng total cases.
Nasa 25 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, ngunit ang mga ito ay pawang naganap pa noong mga nakalipas na buwan.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,570 total COVID-19 deaths o 1.81% ng total cases.
Mary Ann Santiago