Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kung mapapanood pa ba sa mga sinehan ang walong pelikulang kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival, ngayong ibinabalik sa Alert Level 3 ang National Capital Region o NCR dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inihayag ng pamunuan ng MTRCB sa pangunguna ni Executive Director II and Spokesperson Benjo Benaldo, na mananatiling bukas ang mga sinehan sa NCR kahit na nasa ilalim pa ito ng Alert Level 3.

"Ipinaaalam sa publiko na ang mga sinehan sa National Capital Region (NCR) ay mananatiling bukas kasabay ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 3," saad sa opisyal na pahayag.

"Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) resolusyon bilang 155, ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Lunes, Enero 3 hanggang Enero 15, 2022, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga sinehan ay pinahihintulutan na mag-operate sa mga sumusunod na maximum allowed capacities, sa kondisyon na ang mga on-site na empleyado nito ay fully vaccinated:"

"Indoor Cinemas: 30% para sa mga fully vaccinated."

"Outdoor Cinemas: 50%."

“Kami ay nananawagan sa publiko na maging mga responsableng manonood sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards."

"Hinihikayat din namin ang mga mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng inyong mga lokal na pamahalaan."

"Sama-sama po tayo tungo sa isang malusog, ligtas, at masaganang bagong taon."

Matatandaang sa unang araw ng pagbabalik-sinehan ng mga pelikula noong Pasko, nilangaw ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/26/unang-araw-ng-pagbabalik-sinehan-ng-mmff-nilangaw/

Ang walong movie entries ay 'Love at First Stream' (ABS-CBN Film Productions); 'Huling Ulan sa Tag-araw' (Heaven’s Best Entertainment; 'Nelia' (A and Q Film Production); 'Big Night' (Cignal Entertainment, IdeaFirst Company, Octobertrain Films at Quantum Film); 'A Hard Day' (Viva Entertainment); 'Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)' (Cinematografica, Plan C, House on Fire etc.); 'Huwag Kang Lalabas' (Obra Maestra and Cineko Productions) at 'The Exorsis' (TinCan Productions).

Noong Disyembre 27 sa 'Gabi ng Parangal' na ginanap sa SM Aura Premier sa Taguig City, itinanghal na Best Picture ang 'Big Night' ni Christian Bables na siya namang pinarangalan bilang 'Best Actor in a Leading Role'.

Second Best Picture naman ang 'Kun Maupay Man It Panahon' at Third Best Picture ang 'A Hard Day'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/28/alamin-mga-nagsipagwagi-sa-mmff-gabi-ng-parangal-2021/