Hindi kagandahang balita sa mga motorista.
Asahan ang nagbabadyang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng big-time oil price hike sa darating na Martes, Enero 4.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng P2.20 hanggang P2.30 ang presyo ng kada litro ng diesel, P1.90-P2.00 sa presyo ng gasolina at P1.80-P1.90 naman ang marahil na ipapatong sa presyo ng kerosene.
Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Noong Disyembre 21,2022 huling nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo na P0.70 sa kerosene, at P0.55 naman sa gasolina at diesel.
Bella Gamotea