Mahigit sa isang milyong medical frontliners ang inaasahang makikinabang sa alokasyon ng gobyerno na ₱50 bilyong special risk allowance (SRA) ngayong 2022.

Ito ang inihayag niPhilippine Nurses Association (PNA) President Melbert Reyes nitong Linggo, Enero 2, at sinabing ang alokasyon ay nakapaloob sa 2022 national budget na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 30.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Kalahati aniya ng nasabing bilang healthcare workers ay mga nurses mula sa mga pampubliko at pribadong ospital.

"Across the board, lahat ng health workers ay mabibigyan equally," pahayag ni Reyes sa isang television interview.

Kabilang aniya sa naturang SRA angmeals, accommodation, and transportation (MAT) allowance.

"Parang one-time compensation siya. It covers all," paliwanag pa ni Reyes.

Matatandaang nagsagawa ng serye ng protesta ang mga health workers nitong 2021 matapos maantala ang pagbibigay ng benepisyo sa mga ito.