Sa nakalipas na anim na araw, patuloy na tumaas ang admission ng mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) sa Philippine General Hospital (PGH), kinumpirma ng tagapagsalita nito.

“For the past six days, nakita namin ‘yung steady increase ng mga pasyente na naa-admit sa aming hospital na may COVID,” ani PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario sa isang panayam sa DZMM Teleradyo nitong Sabado, Enero 1.

Ibinunyag ni Del Rosario na mula sa 30 kumpirmadong pasyente ng COVID-19 noong Disyembre 25, ang admission nito ay halos tatlong beses na tumaas sa 85 noong Disyembre 31.

Pagdating sa bed capacity, sinabi ni Del Rosario na ang ospital ay naglaan pansamantala ng 100 na kama para sa mga pasyente ng COVID-19 dahil sila ay namamahala rin sa mga hindi COVID-19 mga pasyente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Hindi pa namin basta-basta pwede ibalik ng 300 to 325 [beds] for COVID patients kasi puno kami ng non-COVID patients. Pero syempre kung malaki ang pangangailangan, mapipilitan kami na i-convert ‘yung non-COVID wards to COVID,” dagdag nito.

Ipinaliwanag din niya na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa iba pang COVID-19 referral hospitals at quarantine facilities bilang paghahanda sa posibilidad na pagsipa ng admission sa PGH.

Samantala, sinabi ni Del Rosario na 70 percent ng mga pasyente ng COVID-19 na na-admit sa PGH ay nakararanas ng katamtamang sintomas, 20 percent ay malala hanggang kritikal, at ang mga natitirang mga pasyente ay ikinategorya bilang banayad lang na kaso.

“As of now ay wala pong confirmed na Omicron case sa PGH,” ani Del Rosario.

Charlie Mae. F. Abarca