Noong Biyernes, Disyembre 31, 2021, pormal na ngang namaalam ang batikang broadcaster na si Julius Babao sa Kapamilya viewers, at tinuldukan na nga ang mga bulung-bulungan ng kaniyang paglisan sa home network niya ng halos tatlong dekada, para sa iba pang mga oportunidad sa labas ng Kapamilya Network.

Mapapansing isang linggong humalili si Julius sa news anchor na si Henry Omaga-Diaz sa flagship newscast ng ABS-CBN at pinakamatagal na newscast program sa bansa; ang 'TV Patrol', para mabigyan siya ng exposure sa huling linggo niya sa Kapamilya Network.

Nitong Disyembre 30 naman ay nag-post na ng farewell message ang kasamahan ni Julius na si Karen Davila para sa kaniya. Naging katrabaho ni Julius si Karen sa 'TV Patrol World' at 'Bandila' kasama si Ces Drilon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/30/karen-davila-kay-julius-babao-bilog-ang-mundo-at-alam-ko-magkikita-tayong-muli/">https://balita.net.ph/2021/12/30/karen-davila-kay-julius-babao-bilog-ang-mundo-at-alam-ko-magkikita-tayong-muli/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong Biyernes nga ay nagpaalam na si Julius sa mga Kapamilya at isa-isang pinasalamatan ang mga ABS-CBN bosses, mga kasamahan, katrabaho, gayundin ang mga nagsilbing mentor niya, kagaya nina Kabayan Noli De Castro at misis nitong si Arlene De Castro. Sa ABS-CBN daw niya naabot ang kaniyang mga pangarap.

"Hindi po ito pagpapaalam kung hindi isang pahayag ng pasasalamat sa lahat ng aking mga naging Kapamilya sa loob ng 28 taon. Dito na po ako lumaki sa ABS-CBN—kung inyong mapapansin, napakapayat ko pa noon."

“Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataon na makatulong sa maraming mamamayan," saad pa ni Julius.

Hangad din umano ni Julius na magkaroon na ng prangkisa ang ABS-CBN.

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN sa pag-alis ni Julius Babao.

“Julius Babao announced tonight (Dec. 31) on TV Patrol that he is signing off as a Kapamilya news anchor. On Sunday (Jan. 2), he will make his final broadcast on TeleRadyo Balita."

“Julius began his career in broadcast journalism at ABS-CBN, where he embodies the company’s mission of service for 28 years by reporting on important national issues and events, producing unflinching exposes of abuses that benefited the helpless, and serving Filipinos in need of various types of assistance through his TV and radio programs."

"We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits."

Screengrab mula sa IG/ABS-CBN News and Current Affairs

Sinasabing si Julius ang papalit sa puwesto ni senatorial aspirant Raffy Tulfo bilang news anchor sa 'Frontline Pilipinas' kasama si Cheryl Cosim, na flagship newscast ng TV5.

Mapapakinggan at mapapanood pa si Julius sa kaniyang programa sa 'TeleRadyo' kasama si Zen Hernandez nitong Linggo, Enero 2, 2022.

Julius Babao, Alvin Elchico, Zen Hernandez, at TV Patrol staff (Screengrab mula sa IG/Julius Babao)

Julius Babao (Larawan mula sa IG)

Nitong Enero 1, 2022 ay nagpaalam naman si Julius sa ABS-CBN sa kaniyang Instagram. Si Julius ay unang nagtrabaho sa radio station ng GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN.

"My final TV Patrol newscast. I have always dreamt of becoming a news presenter for ABS-CBN. After graduation, My first job was a production assistant & reporter for DZBB GMA-7. In 1993, I was hired by ABS-CBN as a reporter for TV Patrol. Fast Forward to 2003, when I became one of it’s regular anchors. TV Patrol will always have a special place in my heart and I thank our boss @gingreyes for this one last ride to say thank you to all my Kapamilyas and dear viewers," aniya.

Nagkomento naman dito ang kanilang boss sa ABS-CBN News and Current Affairs na si Ging Reyes, na kinomentuhan naman ni Julius ng tatlong heart emoticons.

"No goodbyes @juliusbabao! Maraming salamat sa 28 taon," aniya.

Samantala, tanggap naman ng mga Kapamilya ang paglisan ni Julius nang malaman nila na magiging Kapatid lamang si Julius. May partnership/blocktime agreement kasi ang TV5 at ABS-CBN kaya napapanood sa TV5 ang ilan sa mga shows ng ABS-CBN gaya ng 'FPJ's Ang Probinsyano', 'Marry Me, Marry You,' 'Viral Scandal', 'La Vida Lena', 'ASAP Natin 'To', at 'Rated Korina'. Sabi pa nila, 'Ang Kapatid ay Kapamilya rin'.

Bukod kay Julius, nauna nang lumundag sa TV5 ang dati ring news anchor ng TV Patrol na si Ted Failon kasama si DJ Chacha. Sa TV5 naman, sa pamamagitan ng Brightlight Productions, inilipat ni Korina Sanchez ang kaniyang 'Rated Korina', na napapanood na rin sa Kapamilya Channel at A2Z Channel 11. Kasama si Korina sa mga na-retrench noong 2020 nang hindi mapagbigyan ang prangkisa ng ABS-CBN.