Nagkita ang ina ni "Janice" at ang mga magulang ng magkapatid na Maguad na sina Cruz at Lovella Maguad noong Disyembre 30, 2021 sa isang sementeryo sa Mlang, Cotabato kung saan inilibing ang mga biktima.

Ayon sa 'Newsline Philippines' dinala nila ang ina at half sister ni Janice na si Juliet sa mag-asawang Maguad upang makapag-usap nang maayos ang mga ito tungkol sa pagpatay umano ni Janice sa magkapatid.

Sa kanilang pagtatagpo lumuhod si Michelle, ina ni Janice isang menor edad na umamin sa pagpatay kina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis, sa mag-asawang Maguad.

Sa kabila ng pag-amin umano ni Janice sa krimen, naniniwala si Cruz na may tao sa likod ng naturang krimen dahil ayon sa autopsy may "galit" umano ang pagpatay sa magkapatid.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaan na noong Disyembre 24,humingi ng tulong si Cruz sa paghahanap sa tatay umano ni Janice dahil malaki ang paniniwala nilang may kinalaman umano ito sa krimen.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/12/25/ama-ni-janice-pinaghihinalaang-may-kinalaman-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/25/ama-ni-janice-pinaghihinalaang-may-kinalaman-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/

Lumuhod si Michelle habang niyakap naman ni Juliet si Lovella Maguad at humingi ng kapatawaran.

Sinabi ng mag-asawang Maguad kay Michelle na hindi nito kailangang lumuhod.

“I am so sorry Mam and Sir, I know how it feels mam, I know that. Every time I see their photos, I cannot hold my tears, that’s the truth, I feel how you feel,” ani Michelle (sa Bisaya).

Ayon kay Lovella, tanging si Michelle lamang ang makapagtatanong kay Janice kung ano nga ba ang totoo.

“If only I can make you feel how painful it is. But, I don’t have the courage to do that, all I want, What I am asking—you are the only person who can ask her to tell the truth," aniya (sa Bisaya).

“You know I don’t know until when I can bear this. Our lives have stopped, we are motionless, it is tiresome to stand, they are our world," dagdag pa niya.

“There is nothing we can give to our children, they are gone. Please help us," sinabi si Cruz kay Michelle.

Ayon kay Michelle, tutulungan nila ang mag-asawa na makuha ang hustisya para sa kanilang anak at kung sino umano ang nasa likod nito.

“It is so painful, I feel relieved, we need to know who is behind this. Thank you for facing me, I can promise you, I will help to get justice, who is behind this," ani Michelle (sa bisaya).

Samantala, ayon sa 'Newsline Philippines' dinala nila sina Michelle at Juliet sa DSWD Mlang.

Humingi ng permiso sa DSWD si Michelle para makausap si Janice ngunit hindi siya pinayagan na makausap ang kanyang anak.