Mahigpit na ipatutupad bukas ng pamahalaang lokal ng Valenzuela City ang implementasyon ng bike lane sa Mac Arthur Highway mula Malanday hanggang Marulas para sa mga bikers simula Enero 3, 2022.

Noon pang December 27, 2021 inanunsyo ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 269 , kasabay ng pagpapalabas ng mga guidelines at penalty sa mga lalabag.

Nakasaad sa naturang ordinansa na ang mga violators na magba-violate sa unang paglabag ay pagsasabihan lamang at sa second offense ay pagmumultahin na ng P200 hanggang P500.

Kinakailangan na ang bikers ay mag-presinta ng anumang identification na isyu ng gobyerno, gaya ng police clearance, voters ID, samantalang ang mga minors ay dapat magpakita ng school ID.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kapag walang naipakitang ID ang sinumang masisita, dadalhin sa City External Services Office ang kanilang bisikleta para i-impound.

Sa mga minors na masisita, kailangan alalayan sila ng kanilang mga magulang o guardian.

May parusa din ang ibang motorista partikular na ang 4-wheels na babaybayo ookupa sa bike lane at pagmumultahin din ang mga ito sa pamamagitan ng no contact apprehension policy.

Layon ng pamahalaang lokal ng Valenzuela na bigyan ng proteksyon ang mga bikers at electric scooter sa mga aksidente kaya ginawa ang bike lane.May komento naman ang mga motorista na hindi na dapat lagyan ng bike lane ang kahabaan ng Mac Arthur Highway, dahil makipot ang nasabing kalsada kung ikukumpara sa Edsa at Commonwealth sa Quezon City. 

Orly L. Barcala