How true na uma-attitude daw ang isang empleyado sa isang branch ng negosyong nail spa ni Kathryn Bernardo sa isang mall sa Las Piñas?

Ito umano ang inireklamo ng kaibigan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'.

"Ito po ‘yung branch sa SM Mall Las Piñas. At saka ‘yung kanya, (customer na kaibigan ni Cristy), nagtitiwala at nagmamalasakit sa pamilya ni Kathryn na kung maaari daw po ay mayroon sanang nagbabantay sa bawat sangay n’yo."

Kuwento ng customer na kaibigan ni Cristy, lagi raw nakasimangot ang ilan sa mga empleyado at tila laging nagmamadali.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Kasi ‘yung staff n’yo raw po dito sa Las Piñas, ano po, bukod sa nakabusangot na, nagmamadali pa. May mga nag-i-inquire raw po na nagpapagawa ng acrylic nail, sasabihin magsasarado na sila katulad nitong kaibigan namin. Twice na po siyang nagpupunta roon sa branch na ‘yun,” sey ni Cristy.

“Noong una pinalampas niya, noong pangalawa hindi na niya kayang palampasin kasi ‘yung acrylic nails na ginawa roon kailangan sila rin ang mag-alis. Putol na, sumagad pa, so, masakit na masakit parang ayaw siyang gawin dahil mayroon daw nagpa-schedule na tatlo kaya hindi na sila makatatanggap ng client," kuwento pa ni Cristy batay sa mensahe sa kaniya ng kaibigan.

"Hindi pumayag ‘yung kaibigan natin, pumasok siya, naupo siya kasi wala pa naman doon ‘yung tatlo. Inabot po siya roon ng tatlong oras. Wala pong dumating na nagpa-schedule, so, katwiran ng katamaran lang ‘yun."

Kaya naman, kinuha ni Cristy ang atensyon nina Kathryn at nanay nitong si Mommy Mhin Bernardo.

"Mommy Mhin (Bernardo), Kathryn hindi na tumatanggap ng 7PM, 10PM pa ang sarado n’yo."

“Sana raw magpadala kayo ng mga random clients na kunwari kliyente para alam ninyo kung ano ang nangyayari diyan sa inyong mga branches tama ‘yun, di ba Romel?"

"Tama po, ikagaganda pa po ng serbisyo ng inyong salon," sang-ayon naman ni Romel Chika na co-host ni Cristy.

"Naku, tutukan n’yo po ito Tita Mhin. Nakakaawa naman po kayo kung labas kayo nang labas ng pera tapos hindi naman kayo pinagmamalasakitan ng mga tauhan n’yo," payo ni Cristy.

Dapat aniyang magpasalamat ang mga empleyado na pinayagan na ng IATF na magbukas ang mga nail spa at salon upang makapagtrabaho na sila. Huwag sana umano itong sayangin.

“Ngayon pa namang pandemya, buti nga may trabaho pa sila dahil pinayagan na. Dapat kliyente ang bibigyan n’yo ng pagpapahalaga, hindi puwede ‘yung magtatamad-tamaran, di ba?" sey pa nito.

Marami namang mga concerned netizen ang nag-text kay Cristy at sumang-ayon sa kaniyang mga payo at mungkahi. Dapat talaga ay may mga nag-iikot at nagmo-monitor sa galawan ng mga empleyado sa kanilang mga negosyo upang kahit paano ay mabantayan sila.

Samantala, wala pang pahayag si Kathryn, ang nanay niya, o ang empleyado nila hinggil sa isyung ito.