Isang daang overseas Filipino worker ang umuwi sa Pilipinas mula sa Bahrain noong araw ng Bagong Taon ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Iniulat ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Sarah Lou Ysmael Arriola noong Sabado, Enero 1 ang pagdating ng mga OFW sa Maynila.
“This New Year, our Middle East mission ends as we return to Manila together with 100 OFWs from Bahrain. This DFA facilitated repatriation was made possible by Philippine Embassy in Bahrain,” ani Arriola sa isang Twitter post.
Ito ay matapos mahigit 500 distressed Filipinos mula sa iba’t ibang bansa ang naiuwi sa Pilipinas noong Pasko noong Disyembre 23 at 24, 2021.
Noong Disyembre 24, halos 180 distressed Filipinos mula sa Saudi Arabia at iba pang bahagi ng Europa ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng chartered flight na sinimulan ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Jeddah at Philippine Embassy sa Riyadh.
Ang mga repatriate ay nawalan ng tirahan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, sabi ng DFA.
Noong Disyembre 23, may kabuuang 354 na distressed at stranded overseas Filipinos ang hinatid rin sa bansa mula sa Saudi Arabia.
Samantala, tumulong din ang Philippine Embassy sa Bahrain sa pagpapauwi ng halos 60 stranded overseas Filipino mula sa ibang bansa noong Nob. 26, 2021.
Betheena Unite