Iniulat nitong Enero 2 ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 9% o siyam na porsyento ang insidente ng krimen sa Metro Manila ng 2021 kumpara noong 2020.

Pangunahing sakop ng naturang panahon ang liderato ng kasalukuyang Regional Director na si Maj. General Vicente Danao Jr.

Partikular sa mga krimen na may malaking pagbaba ay ang Murder na umabot sa 490 nitong 2021 kumpara sa 687 noong 2020 katumbas ng 29 porsiyentong ibinaba nito, bumaba naman sa 34% ang Physical injuries mula sa dating 1,122 insidente noong 2020 kumpara sa 741 naman ng 2021.

Bukod dito, bumaba rin ng 16% ang Homicide;8% sa Rape; 11% sa Robbery; 3% sa Theft; 9% sa Carnapping of Motor Vehicle;18% sa Carnapping of Motorcycle; at 25% naman sa jbang special complex crimes; 13% sa index crimes at 7% naman ang non-index crimes sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Our success in the fight against all forms of criminality, illegal drugs and terrorism may be attributed to the strenghtened partnership we have developed with our community. Indeed, it played an indispensable role in providing necessary information for immediate resolution of offenses and their increased confidence made it easier for them to report right away when crimes are being committed in their locality. Hence the delivery of prompt police service the community deserves. I give back this success to my men for their unwavering dedication and commitment to duty and to the people of Metro Manila for their never ending trust and support," pahayag ni Danao.

Ginarantiya pa ng NCRPO chief na tuluy-tuloy ang paghahatid ng NCRPO ng Serbisyong TAMA: TApat may tapang at MAlasakit para sa Sambayanang Pilipino.

Ayon pa sa opisyal, ang pagbaba ng krimen sa Metro Manila ay dahil sa malakas na community-police partnership bunsod ng pangako ng NCRPO na mas pagtibayin pa ang pagbibigay ng serbisyong TAMA alinsunod sa PNP vision na mataas na kapabilidad, epektibo at may kredibilidad na pagseserbisyo ng pulis sa pakikipagtulungan ng komunidad tungo sa pagkamit ng mas ligtas na tirahan, trabaho at sa pagsasagawa ng negosyo.

Bella Gamotea