Nakitaan ng pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Supreme Court batay na rin sa naitalang pagpositibo sa antigen test ng mga empleyado nitong Linggo, Enero 2.

Sa pahayag ng mga source, ito ang naging batayan ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagpapatawag nito ng agarang pagpupulong online sa lahat ng mahistrado ng kataas-taasang hukuman upang talakayin ang usapin.

Sinimulan ng SC ang pagsasagawa ng antigen test sa mga opisyal at kawani nito bilang paghahanda sana sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho sa Lunes, Disyembre 3.

Ngayong Linggo, inaasahang maglalabas ng written statement si Gesmundo kaugnay ng usapin.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Matatandaangnaglabas ng memorandum circular ang Korte Suprema nitong Enero 1 at binanggit ang pagpapatuloy ng kanilang pagtatrabaho mula Lunes hanggang Sabado kung saan pinapayagan lamang pumasok ang 50 percent ng total workforce nito para sa tatlong magkakasunod na araw mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa COVID-19 Alert Level 3 na ipaiiral sa Metro Manila simulaEnero 3 hanggang Enero 15 bunsod na rin ng pagtaas ng COVID-19.

Bukod dito, inoobliga rin ang mga opisyal at empleyado na magkaroon ng dalawang araw na work from home (WFH) upang mapunan ang 40-hour workweek.

Magpapatupad naman ng skeleton force ng kahit 30 porsyento hanggang 50 porsyento sa mga trial court upang tumugon sa mga nangangailangan ng kanilang serbisyo.

“All other directives, such as the conduct of in-court hearings, the filing or service of pleadings, motions, and other court submissions through allowable modes, or the non-suspension of the period to file or serve the same, and the continued operation of night courts… including the safety and health protocols… shall be strictly observed,” ayon pa sa Korte Suprema.

Rey Panaligan