BUENOS AIRES, Argentina – Nagrehistro ang Argentina ng 20,020 bagong kaso at 12 pagkamatay mula sa COVID-19 sa nakalipas na 24 na oras, iniulat ng Ministry of Health nitong Sabado.

Dahil dito, ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa ay tumaas sa 5,674,428 at ang nasawi ay nasa 117,181, ayon sa ministry.

Nitong Sabado, ang “health pass” ay opisyal na inilunsad sa pambansang antas, kung saan ang mga lampas 13 taong-gulang ay kailangan may patunay na sila ay ganap na bakunado upang makadalo sa malalaking pagtitipon.

Ang hakbang ay naglalayong tugunan ang pagtaas ng mga impeksyon sa mga nakaraang linggo dahil sa Delta at Omicron variant.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Nagrehistro ang Argentina noong Dis. 30 ng isang makasaysayang rekord ng mahigit 50,000 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Sinabi ng Ministry of Health na mayroong kabuuang 236,813 aktibong kaso sa bansa at 1,012 katao ang nasa intensive care.

Xinhua