Ipinag-utos na sa mga police commander sa Metro Manila ang pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs) Para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa National Capital Region (NCR) simula sa Lunes, Enero 3.
Sinabi ni Police Col. Rhoderick Augustus Alba, tagapagsalita ng PNP, na mahigpit nilang susundin ang mga alituntunin na nauna nang itinakda ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), sa ilalim ng Alert Level 3.
“The Philippine National Police (PNP) will welcome the year with a recalibrated deployment strategy as more outdoor activities will be prohibited under Alert Level 3,”ani Alba.
Aniya, inaasahan nila na ang bawat lokal na pamahalaan sa NCR ay maglalabas ng executive order na maglalatag ng protocols batay sa sa pambansang direksyon na itinakda ng IATF-MEID.
Muling isinailalim sa mas mahigpit na protocol ang Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga nakaraang araw, na nagsimula ilang araw bago ang araw ng Pasko.
Batay sa guideline sa ilalim ng Alert Level 3, sususpindihin ang face-to-face classes nang hindi bababa sa dalawang linggo kasama ang operasyon ng karaoke bar at indoor entertainment, kid amusement places, casino, horse racing, cockfighting, contact sports.
Ang iba pang mga establisyimento ay binibigyan ng green light upang tumanggap ng mga customer ngunit may 30% na kapasidad para sa mga closed-door avenue at para lamang sa mga indibidwal na ganap na nakabunahan, at 50% para outdoor capacity.
“The PNP understands that this upgraded alert level status may receive some backlash from those who find the rules inconvenient, but the police force has the duty to enforce the restrictions and to reiterate the value of following the minimum public health standard,” sabi ni Alba.
Aaron Recuenco