Ang lungsod ng Maynila pa rin ang nangunguna sa mga lugar sa bansa na nakakapagtala ng pinakamataas na mga bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa ulat ng OCTA Research Group, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na nitong Disyembre 31, 2021, nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng 571 bagong kaso ng COVID-19 cases.

Sumunod naman ang Quezon City na nakapagtala ng 366; Taguig City na may 112 bagong kaso; Makati City na may 110 bagong kaso; at Caloocan City na may 104 bagong kaso.

Nakapagtala rin ng mataas na bagong kaso ng impeksiyon ang Pasay City (99 bagong kaso); Mandaluyong City (93); Las Piñas City (81); Parañaque City (76); Malabon City (75); Pasig City (75); Muntinlupa City (63); Navotas City (48); San Juan City (48); Marikina City (40); Bacoor City (38); Cainta (31); Valenzuela City (30); General Trias (30); Antipolo City (29) at Dasmariñas City, Cavite (29).

National

VP Sara binira si Sen. Risa: 'Walang kredibilidad ang Akbayan!'

Ani David, ang naturang datos ay awtomatikong kinukuha mula sa DataDrop ng Department of Health (DOH) at ang anumang discrepancies sa data dahil sa error, reporting lag at iba pa ay dapat na i-addressed sa DOH.

Mary Ann Santiago