Magpupulong ang Metro Manila mayors sa Linggo, Enero 2, upang pag-usapan ang desisyon ng pambansang pamahalaan na muling ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 3 sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kamaynilaan sa mga nakaraang araw.

Ngunit sinabi ni Sharon Gentalian, chief information officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inaasahan nilang ang parehong mga patakaran na ipinatupad noong nakaraang taon sa ilalim ng Alert Level 3 ang pagtibayin mula Enero 3 hanggang 15.

“NCR mayors (to) meet (on) Sunday. Sames rules on Alert Level 3 s before,” sabi ni Gentalian.

Gayunpaman, sinabi ni Gentalian na inaaasahan nila na mas mahigpit na mga hakbang ang ipatutupad sa mga nananatiling hindi bakunado laban sa COVID-19.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya pa, “More stringent rules on mobility for unvaccinated to be drafted.”

Aaron Recuenco