Patay ang mag-asawa at ang kanilang limang buwan na sanggol sa sunog na tumama sa isang bahay sa Malonzo Compound, Fourth Avenue, Brgy. 49, Caloocan City nitong Sabado, Enero 1.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection Public Information Office (BFP-PIO) ang mga biktima na sina Joseph Hernandez, 19; Ashia Robil, 19; at kanilang limang buwan na sanggol.

Kinumpirma ng pinsan ni Hernandez na si Cathy Briones ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 4:22 ng umaga at naapula ito dakong 5:29 ng umaga.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Sinabi rin ng BFP na 41 residente at 13 pamilya ang naapektuhan ng sunog at may pinsala na tinatayang nasa P50,000.

Patuloy pa rin iniimbestigahan ang sanhi n sunod.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa BSO, isang lumang food cart ang sanhi ng sunog.