Umabot na sa P9-bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette lalo na sa Visayas at Mindanao ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa datos na ipinakita ng Regional Disaster Reduction and Managemnt (DA-DRRM) ng DA, ang mga ulat sa danyos sa agrikultura ay naitala sa 11 rehiyon, ang pinakaapaektado ay ang mga rehiyon ng Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Ibinunyag din sa ulat ng DA na may kabuuang 132,658 na magsasaka at mangingisda ang naaapektuhan ni Odette, na may blyum ng pagkalugi sa produksiyon sa 194,671 metric tons (MT) sa 351,932 ektarya ng mga agricultural area.

Ang mga nasirang produkto ay kinabibilangan ng palay, mais, high-value crops, niyog, tubo, hayop at pangisdaan. Npainsala rin ni Odette ang mga imprastraktura, makinarya, at mga kagamitan sa pagpapalago ng mga pananim.

National

‘We did not do anything about it:’ Mayor Leni, nagsising 'di naaksyunan agad online trolling!

Sa kabilang banda, ang mga opisyal ng DA ay nagbigay ng hindi bababa sa P2.9 bilyong ayuda na ibibigay sa mga magsasaka at manginngisdang apektado.

Faith Argosino