Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,617 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado, Enero 1.
Batay sa case bulletin #658, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,847,486 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.6% o 17,374 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 11,603 ang mild cases; 3,124 ang moderate cases; 1,635 ang severe cases; 673 ang asymptomatic at 339 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 468 bagong gumaling sa sakit, sanhi pang umabot na sa 2,778,567 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.6% ng total cases.
Nasa 43 naman ang naitalang namatay sa karamdaman.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,545 total COVID-19 deaths o 1.81% ng total cases.
Mary Ann Santiago