Pananatilihin ng Korte Suprema simula Enero 3, Lunes, ang operasyon nitong Lunes hanggang Sabado na may 50 percent ng kabuuang workforce na pisikal na nag-uulat sa loob ng tatlong magkakasunod na araw mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon alinsunod sa COVID-19 Alert Level 3 na ipinataw sa National Capital Region (NCR).

Binigyan ni Punong Mahistrado Alexander G. Gesmundo ang Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals (CTA) ng awtoridad na maglabas ng kanilang sariling mga alituntunin sa trabaho sa ilalim ng Alert Level 3 “dahil sa magkaibang mga kinakailangan sa operasyon.”

Sa isang memorandum circular na binigyang-diin at binago ang mga naunang circular na inilabas ni Gesmundo, ang 50 percent percent workforce ay pisikal na mag-uulat mula Lunes hanggang Miyerkules habang ang natitirang 50 percent ay papasok naman mula Huwebes hanggang Sabado.

Ang lahat ng opisyal at empleyado ay kinakailangang magsilbi sa pamamagitan ng work from home (WFH) arrangement sa loob ng dalawang araw upang makumpleto ang kinakailangang 40-hour workweek.

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Gayundin, nakasaad sa circular na ang mga pinuno ng mga tanggapan at service departments ay dapat na mag-ulat tuwing Sabado.

Ipinaliwanag ni Gesmundo na ang flexible shifting ay naglalayong sumunod sa mga pag-iingat laban sa COVID-19, partikular ang physical distancing, dahil sa limitadong espasyo sa mga opisina ng Korte Suprema.

Ang bagong circular ni Chief Justice Gesmundo na inilabas nitong Sabado, Enero 1, ay nakasaad din na ““all those reporting on-site beginning Jan. 3, 2022 are directed to undergo antigen testing before proceeding to their respective offices/services/divisions/units.”

Para sa mga trial court sa NCR, ang skeleton workforce na hindi bababa sa 30 percent hanggang 50 percent ay “papanatilihin upang sapat na matugunan ng mga korte ang mga usapin at alalahanin, hangga’t magagawa” mula Enero 3 hanggang 15.

Ang circular na inilabas noong Sabado, Enero 1, ni Deputy Court Administrator at Officer-in-Charge ng Office of the Court Administrator Raul Bautista Villanueva, na may pag-apruba ni Chief Justice Gesmundo, nakasaad na “Saturday duty is suspended and the regular office hours shall be from 9 a.m. to 3 p.m.”

“All other directives, such as the conduct of in-court hearings, the filing or service of pleadings, motions, and other court submissions through allowable modes, or the non-suspension of the period to file or serve the same, and the continued operation of night courts… including the safety and health protocols… shall be strictly observed,” dagdag na nakasaad sa circular.

Rey Panaligan