“Hindi namin tatantanan ‘yan.”

Ito ang pagtitiyak ng Malacañang sa publiko at sinabing kakasuhan nito ang sinumang sangkot sa kaso ng isang nagbabalik-bansang Pinay na nagawang lumusot sa kanyang quarantine facility dahil sa koneksyon at dumalo pa sa isang party sa Poblacion, Makati noong nakaraang linggo.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos kumpirmahin ni Interior Secretary Eduardo Ano sa isang panayam sa Teleradyp noong Disymebre 30 na nagawang putulin ng isang biyahero mula sa Amerika ang kanyang quarantine sa kabila ng pagiging positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa kanyang press briefing nitong Biyernes, Disyembre 31, tiniyak ni Nograles sa publiko iniimbestigahan na ang isyu ng Philippine National Police (PNP), ng Criminal Investigation and Detection Group), ng Department of Tourism (DOT), at ng Department of Health (DOH).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa acting Palace spokesman, hindi magdadalawang isip ang gobyerno na kasuhan ang mga lalabag sa batas.

“Talagang ipo-prosecute namin ‘yan. Hindi natin tatantanan ‘yan. I’m sorry, this is a public health emergency, we cannot just let this go,”ani Nograles.

“Importante talaga that everybody follows the law and the laws are there for everyone’s protection and safety. Let’s not think that we can get away with it dahil hindi talaga. Hindi ‘yan mangyayari,” dagdag ng opisyal ng Palasyo.

Ayon kay Nograles, ang sangkot na biyahero na ngayo’y binansagang “Poblacio Girl,” at ang iba pang mga kasabwat nito ay maaaring kasuhan dahil sa paglabag sa Notifiable Diseases Act. Ang hotel kung saan siya unang sumailalim sa quarantine ay maaari ring managot ayon sa hatol ng Department of Justice (DOJ).

“May pinirmahan naman ‘yang mga ‘yan, alam naman po nila kung ano yung mga sanctions they could face,” sabi ni Nograles.

“We leave it up to the DOJ to file the necessary charges after investigation is done by the PNP after the investigation is done by our CIDG,” dagdag niya.

Pinaalalahanan ng opisyal ng Palasyo ang publiko sa kanilang mga gampanin sa panahon ng pandemya at binalaan sila na huwag subukang lumabag sa batas.

“It is up to you, it is really your responsibility to ensure that there will be no violations. If violations happen, then we will prosecute. It’s that simple. Let it not come to that,” sabi ni Nograles.

“Make no mistake: Anybody who violates, the law will catch up to you. So don’t try it. ‘Wag niyong subukan, please,”dagdag niya.

Argyll Cyrus Geducos