Nagpahayag ng pag-asa para sa mas maginhawang buhay para sa sambayanang Pilipino si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr habang ipinunto niyang hangad niya para sa mga Pilipino ang lumaya sa lahat ng hirap na naranasan nitong pandemya.

Para sa kanyang hiling sa bagong taon nitong Biyernes, Disyembre 31, sinabi ni Marcos Jr. na nais niyang ang mga Pilipino ay “malaya mula sa economic burden” gayundin ang “malayang pagpapatuloy sa mga mithiin at pangarap.”

Dagdag niya, nais niya na tumayo ang mga Pilipino na “malaya mula sa nakakaupos na epekto ng pandemya, at higit sa lahat ay malayang pumili ng mga pinuno na magdadala sa susunod na kabanata ng kasaysayan ng bansa.”

Sinabi ni Marcos Jr. na dapat nating isipin ang higit pa sa mga dinaranas na kalungkutan at “ituon ang ating mga isip at lakas habang inaabangan ang isang mas maayos na Bagong Taon."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We have proven that we, as a nation, are resilient and resolute. Let us once again dig deep inside ourselves and let our persevering spirit guide us in our effort to turn our miseries into joy, our pain into happiness, and our hopelessness into faith and optimism,” ani Bongbong.

Ayon pa sa kanya, mayroon na siyang nakalatag na mga plano na maaari lang maging posible kung makatutungtong siya sa Palasyo.

“The New Year will usher us into a new beginning. A new dream, a new hope. But in the end all of these can only come true if we stand as one,” sabi ni Marcos Jr.

Aniya pa, “One nation, one people. Sa bandang huli ay matutupad lamang ang ating mga pangarap na ibangon muli ang ating bayan kung tayo ay may iisang adhikain at may iisang paniniwala."

Joseph Pedrajas