Mahigit na sa 50 milyong Pinoy ang bakunado na laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, kahit bitin pa rin ng apat na milyong Pinoy ang 54 milyong puntiryang babakunahan, ipinaliwanag nito namalaking bagay pa rin ang nasabing numero para maprotektahan ang mga Pinoy laban sa COVID-19 at ng variant nito na Omicron.

“We have already breached the 50 million. The target is 54 million but if we are going to translate it, it means we were delayed by one week to two weeks in our vaccination drive,” pahayag ng opisyal.

Ang pagkaantala aniya ay dulot ng bagyong 'Odette' na sumalanta sa malaking lugar sa Visayas at Mindanao kamakailan.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

“If we were not hit by ‘Odette’, we would haveachieved the 54million,” aniya.

Matatandaangnagsagawa ng tatlong araw na national vaccination drive ang pamahalaan noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2 upang mapalawak ang pagbabakuna kaya umabot sa mahigit 12 milyong Pinoy ang naturukan nito.

Kumpiyansa rin si Galvez na makakapagbakunasila ng apat na milyong Pinoy sa una at ikalawang linggo ng Enero sa 2022.

Idinagdag pa nito na tinatayang aabot sa 50 milyong Pinoy ang naghihintay na lamang ng kanilang 2nd dose habang mahigit sa isang milyong dosis ang naiturok na bilang booster shots.

Aaron Recuenco