Inanunsyo ni Manila Mayor Francis “Isko Domagoso” Moreno nitong Huwebes, Disyembre 30, ang muling pagbubukas sa publiko ng bagong-bihis na Manila Zoo.

“Bukas na po ang Manila Zoo. Libre na po siya for the entire month of January,” ani Domagoso.

Hindi pa man inaanunsyo ang eksaktong oras ng pagbubukas at pagsasara ng pasyalan, sinabi ng alkalde na magkakaroon din ng “night safari” ang zoo kaya’t maaari rin itong bisitahin sa gabi.

“Huwag kayo mag-alala dahil lumaki ang espayo ng sisidlan o kulungan ng mga hayop. Mamimili pa tayo ng hayop at mangunguha pa tayo ng mga animal. At maghahanap pa tayo ng mga buwaya at mga tsonggo at unggoy,” sabi ni Domagoso sa inisyal na pagbubukas ng ngayo’yManila Zoological and Botanical Garden.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hindi lang sa araw makikita ang Manila Zoo. Ito ay magbubukas kahit sa gabi. Kaya hindi niyo na kailangang magpunta sa Zingapore Zoo or what they call Night Safari,” dagdag ng alkalde.

Taong 1959 nang magbukas ang sikat na pasyalan. Nagdiwang din ito ng ika-125 anibersaryo kasabay ng anibersaryo ng pagkapaslang kay Gat Jose Rizal nitong Huwebes, Disyembre 30.