Makatatanggap ng tig-P1,000 ang bawat miyembro ng pamilyang kabilang sa mga low-income na mga residente sa mga lugar na matinding napinsala ng Bagyong Odette. Inaasahang natatanggap na ito ng mga residente simula nitong Miyerkules, Disyembre 29 kaya’t may paalala si Pangulong Duterte sa paggasta nito.
“Have you received the P5,000 cash assistance? Not yet? Or have you spent it all?” tanong ni Duterte sa mga residente ng Bais City, Negros Oriental kamakailan.
Dito sunod na binalaan ng Pangulo ang mga residente na huwag ilaan sa bisyo ang nakuhang ayuda at bagkus ay gastahin nang makabuluhan lalo na para sa mga bata.
"That’s what usually happens if the husband spends the P5,000 on alcoholic beverages. And the wives, if they have nothing to do, they are like 'Marites' and keep on gossiping and playing poker," ani Duterte sa kamakailang pagbisita sa lugar.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), hanggang limang miyembro ng pamilya ang makatatanggap ng nasabing ayuda.
Sunod na binanggit ni Duterte na sa oras na may makarating na mga ulat na ginasta lang sa bisyo ang ibinigay na ayuda, handa umanong bumalik si Duterte sa lugar upang suntukin ang sinumang mahuhuling hindi matalinong gumasta sa pera.
"Don’t mess with me by using the money to purchase alcoholic drinks. If you do that, I’ll come back here for you and punch you. Yes, I will. If somebody reports to me that you spent your money on cockfighting, I won’t regard anybody as my friend. I will really come back for you,"sabi ng Pangulo.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, binigyan ng 15 araw ang bawat lokal na pamahalaan upang ipamahagi ang cash assistance.
Nauna nang nakatanggap ng trapal, food packs at iba pang kagamitan ang mga apektadong residente ng Negros Oriental upang makapagsimula sa kani-kanilang pagbangon matapos ang sakuna.