Nakararanas ng mabilis na pag-akyat ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19 ang Pilipinas kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na mayroong halos 3,000 kaso ang naitala sa huling araw ng 2021.

Batay sa pinakahuling pagtatala ng mga kaso, mayroong 2,961 na bagong kaso ang natukoy noong Disyembre 31. Dumoble ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa mga nakaraang araw. Nitong Disyembre 28, 421 na kaso lamang ang naiulat ngunit noong Disyembre 29—umakyat ito sa 889. Halos dumoble ang mga arawang kaso noong Disyembre 30 nang naitala ang 1,632 na impeksyon.

Ang huling beses na nakapagtala ang Pilipinas ng higit 2,000 kaso ay noon pang Nob. 21 na may 2,227 impeksyon.

Napag-alamang ang National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon ay ang mga “nangungunang rehiyon na may mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga aktibong impeksyon sa buong bansa ay tumaas din sa 14,233 o 0.5 percent ng kabuuang bilang ng mga impkesyon mula noong nkaraang taon—na umabot sa 2,843,979.

Idinetalye ng DOH na sa mga may sakit pa, 8,365 na pasyente ang may mild symptoms, 3,197 ang nasa moderate condition, 1,701 ang Malala, 628 ang asymptomatic at 342 ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang bilang ng mga nasawi ay tumaas ng 132 dahilan para maabot ang kabuuang 51,504 habang ang bilang ng mga recovery ay tumalon sa 2,778,242 matapos maitala ang 481 pang nakaligtas.

Ipagpalagay na nasa mga komunidad na ang Omicron variant

Sa gitna ng pagdami ng mga kaso, pinayuhan ni DOH Secretary Francisco Duque III ang publiko na pinakamahusay na ipagpalagay na ang presensya ng Omicron ay nakapasok na sa mga komunidad.

Nauna nang ibinahagi ng DOH-Center Health Development sa Bicol sa isang Facebook page na dalawang Omicron variant ang nakita sa rehiyon. Gayunpaman, ang post nito ay binura rin agad. Wala pang opisyal na pahayag ang DOH Central Ooffice ukol dito.

Sa ngayon, opisyal na kinumpirma ng DOH ang apat na kaso ng highly transmissible na variant.

“It is prudent to assume that Omicron is already in circulation or is already in the communities, absent of course, a definitive whole genome sequencing results to support that theory,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

“It is good to already assume for purposes of planning, for purposes of communication,” dagdag niya.

Analou de Vera