Maaaring tumaas sa mahigit 2,500 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa bago ang pagpapalit ng taon ayon sa OCTA Research group.

“New COVID-19 cases in the National Capital Region (NCR) will likely continue to increase as the positivity rate hits more than 14 percent. More than 2,000 new cases is possible on Dec. 31, with more than 2,500 new cases nationwide,” ani Dr. Guido David, isang OCTA Research fellow sa isnag Twitter update nitong gabi ng Huwebes, Disyembre 30.

“Let us celebrate the coming of 2022 in a safe manner,” panawagan ni David sa publiko habang pinaalalahanan ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa iba pang health protocols.

Idinagdag ni David na ang pagtaas ng mga kaso ay “dramatic” at dapat na “mahigpit na sumunod” sa minimum health standards ang publiko at hangga't maaari ay bawasan ang mass gatherings upang iwasan ang karagdagang hawaan ng virus.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, ibinunyag ng OCTA na noong Huwebes, Disyembre 30, ang NCR lang ang nakapagtala ng kabuuang bilang ng 1,092 COVID-19 infections.

Kabilang sa limang nangungunang munisipalidad, ang Lungsod ng Maynila na may 351 kaso, Quezon City na may 170, Lungsod ng Makati na may 74 na bagong kaso, Caloocan City na may 66 at Taguig na may 55 na bagong impeksyon.

Sa gitna ng mga impeksyon, ipinasailalim ng national government ang bansa sa Alert Level 2 hanggang Enero 15, 2021.

Charlie Mae F. Abarca