Bigla pang tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nang maitala ng Department of Health (DOH) ang halos 3,000 na nahawaan ng sakit nitong Biyernes, Disyembre 31.

Sa datos ng DOH, nakapagtala ito ng 2,961 na kaso ng sakit sa huling araw ng 2021 na halos doble sa 1,623 na nahawaan nitong Disyembre 30.

Nitong Disyembre 29 at 28, naitala ng ahensya ang 889 at 421, ayon sa pagkakasunod.

Ipinaliwanag ng DOH, huling naitala ang lagpas na 2,000 na nahawaan noong Nobyembre 21. Sa naturang petsa, nakapagtala ang ahensya ng 2,227 na kaso.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Analou de Vera