Tumaas din ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Parañaque City.

Ito ang inihayag ng Parañaque City Health Office at ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Biyernes, Disyembre 31.

Umakyat sa 51 o 0.13% ang bilang ng aktibong kaso ng sakit nitong Disyembre 29.

Dahil dito, umabot na sa 37,944 ang confirmed cases, kabilang na ang kabuuang 37,143 na nakarekober sa sakit.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Nakapagtala rin ang lungsod ng kabuuang 750 na namatay sa COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya.

Kabilang sa nakapagtala ng bagong kaso ang Baclaran (4); La Huerta (1); San Isidro (3); BF Homes (8); Don Bosco (8); Marcelo Green (5); Merville (6); Moonwalk (2); San Antonio (50; San Martin De Porres (3); Sun Valley (5) at isa naman sa isang unknown barangay.

Bella Gamotea