Makararanas ng pag-ulan ang iba't ibang bahagi ng bansa pagsapit ng Bagong Taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Disyembre 31.

Sa kanilang pagtaya, ipinaliwanag ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, mararamdaman sa malaking bahagi ng Pilipinas ang epekto ng shear line o ang tinatawag na tail-end ng frontal system at ang northeast monsoon (amihan) sa susunod na 24 oras.

“Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog d’yan sa buong Visayas at Mindanao. Ito ay epekto pa rin shear line na patuloy nating maasahan sa pagsalubong ng 2022," ayon kay Ordinario.

Katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon bunsod ng amihan.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Pabugsu-bugsong pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa ilang nalalabing bahagi ng Luzon dulot ng northeast monsoon.

Charie Mae Abarca