Hindi maipagkakailang naging kontrobersyal ang 2021 sa mundo ng showbiz dahil sa mga celebrity couples na inakalang sa forever na mauuwi ang relasyon, ngunit nauwi rin pala sa hiwalayan. Talaga namang tinutukan ito sa umpukan ng mga 'Marites'. Ilan sa kanila ay bagong magkarelasyon, matagal nang magkarelasyon, magka-live in na, o mag-asawa na.

Batay sa mga dahilan, numero unong dahilang lumulutang ang 'cheating', kawalan ng oras sa isa't isa, at hindi makompromisong individual differences. Ang iba naman, nanatiling tikom ang bibig sa puno't dulo ng hiwalayan.

Sino-sino nga ba ang mga Pinoy celebrity couples na naghiwalayan nitong 2021?

1. Kiko Estrada at Devon Seron

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Taong 2019 nang kumpirmahin nina Kiko at Devon ang kanilang relasyon. Nagtapos ang kanilang dalawang taong relasyon noong Pebrero 14, 2021. Ipinagdiinan ni Kiko na hindi siya 'cheater' at hindi niya pinagsabay sina Devon at Heaven Peralejo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/04/26/confirmed-kiko-estrada-at-devon-seron-hiwalay-na/

2. KIko Estrada at Heaven Peralejo

Matapos ang break-up nina Kiko at Devon, nagulat ang lahat nang makumpirma ang relasyon nina Kiko at Heaven nang mag-post na sila sa kani-kanilang social media accounts, ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon, na ayon sa mga 'Marites' ay nang mapag-alamang inunfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram noong Setyembre 1, dalawang araw matapos nilang magdiwang ng ikatlong monthsary.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/07/ogie-diaz-sa-isyung-hiwalayan-nina-heaven-at-kiko-feeling-ko-wala-na-sila/

3. Scottie Thompson at Pau Fajardo

Matagal na silang mag-jowa, kahit na hindi pa sikat na professional basketball player si Scottie. Naihayag na rin ang kanilang engagement noong Enero, pagpasok ng Bagong Taon. Gayunman, Abril nang umugong ag balitang nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng mga tagahanga na binura ng dalawa sa kanilang social media accounts ang mga litrato ng isa’t isa. Makalipas ang ilang buwan, ibang babae ang kaniyang pinakasalan, at ito ay si Jinky Serrano, beauty clinic owner at dating flight attendant, Binasag ni Pau ang kaniyang katahimikan hinggil sa isyu noong Hunyo 24.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/

4. Aljur Abrenica and Kylie Padilla

Isa sa mga pinaka-pinag-usapang showbiz break-up matapos itong isiniwalat ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza. Mismong ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla ang nagkumpirma nito. Nadawit pa sa isyu ang umano'y bagong nililigawan ni Aljur na si AJ Raval. Pumutok ang isyu noong Hulyo at umabot hanggang Oktubre ang 'saga' dahil sa mga pinakawalang pahayag ni Aljur, na si Kylie ang nauna umanong magkaroon ng iba.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/

5. AJ Raval at Axel Torres

Inamin ni AJ mismo na ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ay dahil hindi kinakaya ni Axel ang pagtanggap niya sa mga daring roles sa pelikula. Si Axel ay naging housemate sa PBB.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/10/axel-torres-pinatutsadahan-nga-ba-sina-aj-at-aljur/

6. Andre Brouilette and Lou Yanong

Parehong former PBB housemates ang dalawa na nagkagustuhan habang nasa loob pa lamang ng Bahay ni Kuya, at nang sila ay lumabas na, pinili nilang ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Sinasabing ang dahilan ng break-up nila ay dahil sa long distance relationship.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/02/di-pa-nakaka-move-on-lou-yanong-iniiyakan-pa-rin-si-andre-brouillette/

7. Alwyn Uytingco and Jennica Garcia

Ayon kay Jennica, hindi problemang pinasyal ang dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn. Matatandaang napasama pa sa kanilang gusot ang ina ni Jennica na si Jean matapos pagsalitaan ang kaniyang manugang. Nitong bago magtapos ang Nobyembre ay sinabi ni Jennica na sinisikap nilang maayos at maproseso ni Alwyn ang problema nilang mag-asawa, at nitong Disyembre ay mukhang nagkaayos na sila dahil ibinahagi ni Alwyn sa Facebook account niya ang family dinner nila noong Disyembre 11, at magkasama pa sila noong Pasko. Nag-post din siya sa FB ng madamdaming birthday message sa misis, na nagpapasalamat dahil kasama pa siya nito sa obra ng buhay niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/05/22/jennica-garcia-financial-problem-is-not-the-reason/

8. Michelle Madrigal at Troy Wool Folk

Nagkakilala ang dalawa sa isang dating app, nagkagustuhan, nagpakasal at nagkaanak subalit makalipas ang 3 taon ay nagkahiwalay rin sila. Nasa proseso na umano ang kaniyang diborsyo, bagama't nakatira sila sa iisang bahay na may magkaibang kuwarto. Ibinalita ni Michelle ang kanilang hiwalayan noong Agosto 14 via Instagram.

9. Paolo Contis at LJ Reyes

Nagulat ang lahat nang mapabalita ang hiwalayan nina Paolo at LJ, na kinumpirma mismo ni LJ sa panayam sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda noong Setyembre 21. Lalo pang naging kontrobersyal ang hiwalayan dahil sa pagkakaugnay ni Kapamilya actress Yen Santos, na kasa-kasama niya sa Baguio. Inamin naman ni Paolo na totoo ang mga kumakalat na balitang magkasama sila ni Yen sa 'City of Pines' ngunit 'as a friend' lang daw ang relasyon nila. Pinag-usapan din ang haka-haka ng mga netizen na magkasama umano sila sa birthday celebration ni Yen na isang dinner date, bagama't hindi ito kinumpirma ng dalawa. Bago matapos ang 2021, muli silang pinag-uusapan dahil magkasama umano sila sa Boracay, batay sa mga kumakalat na litrato na magkasama sila sa airport. Hindi rin kinukumpirma ng dalawa kung talaga bang may relasyon sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/02/nanlamig-nga-ba-lj-reyes-idinetalye-ang-dahilan-ng-hiwalayan-nila-ni-paolo-contis/

10. Rabiya Mateo at Neil Salvacion

Biro ng mga beauty pageant fans, parang may 'sumpa' raw ang Miss Universe pagdating sa lovelife ng mga kandidata nito. Gaya nina Janine Tugonon, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray, nagkahiwalay rin sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at boyfriend na si Neil Salvacion. Mismong si Neil ang nagkumpirma nito noong Hunyo na sinegundahan din ni Rabiya. Naging isyu pa ang umano'y pagpaparinig ni Neil sa naging audition video niya para sa PBB na balak sana niyang salihan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/04/hiwalay-na-rabiya-mateo-neil-salvacion-in-unfollow-ang-isat-isa-sa-instagram/

11. Beatrice Gomez at Kate Jagdon

Hindi itinago ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community at may jowa siyag same sex na si Kate Jagdon. Matapos manalo sa MUP pageant ay naghiwalay rin sila ng partner niya na nakarelasyon sa loob ng 6 na taon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/23/sumpa-ng-crown-miss-universe-ph-2021-beatrice-gomez-kate-jagdon-hiwalay-na/

12. Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich

Noting Nobyembre, inamin ni cosplayer at vlogger na si Alodia sa social media na wala na sila ni Wil matapos ang mahigit tatlong taong relasyon. Tinangka umano nilang sagipin ang kanilang pagsasama ngunit nagdesisyon na talaga silang maghiwalay na. Bagama't walang opisyal na pahayag si Wil tungkol dito, tumatak naman ang caption niya sa IG na 'Keep moving forward, because there is no other option.'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/21/alodia-itinangging-prank-lamang-ang-break-up-nila-ni-wil-it-is-what-it-is/

13. Janine Gutierrez at Rayver Cruz

Sinasabing nawalan umano ng oras at panahon sa isa't isa sina Janine at Rayver dahil naging abala na sila sa kani-kanilang mga trabaho sa kanilang mga TV networks. Nagtataka naman ang mga netizen kung bakit nangyari ito gayong naging mag-jowa naman sila kahit magkaiba ang mga home network nila. Originally kasi ay nasa Kapamilya Network si Rayver at nasa Kapuso Network naman si Janine noong maging sila. Lumipat si Rayver sa Kapuso, at si Janine naman ay lumipat sa Kapamilya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/janine-gutierrez-at-rayver-cruz-hiwalay-na-ba/

14. Maggie Wilson at Victor Consunji

Nabigla rin ang mga taga-showbiz nang ipamalita ng dating beauty queen at TV host noong Setyembre na naghiwalay na sila ng asawang si Victor Consunji matapos ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa. Kahit naman daw hiwalay na sila ay nananatili pa rin silang magkaibigan at co-parents sa kanilang anak na lalaki na si Connor. Ngunit nitong Disyembre, matapang na naglabas ng saloobin si Maggie matapos mapagkaitang makasama ang anak nitong nagdaang Pasko. Sa kanyang rebelasyon, tinanggihan siyang makasama ang kanilang anak ni Victor nitong Christmas eve sa kabila ng naunang napagpasyahan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/04/maggie-wilson-balik-runway-after-ng-hiwalayan-sa-kanyang-husband/

Sa pagtatapos ng 2021, sana ay wala nang humabol pa at nawa ay mahanap ng mga personalidad na ito ang tunay na magpapasaya sa kanilang puso sa pagpasok ng 2022!