Ikukulong o kaya ay pagmumultahin ng₱5,000 ang sinumang mahuhuling nagpapaputok ng rebentador sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Valenzuela City.
Ito ang nakapaloob sa isang ordinansa na inilabas ng pamahalaang lungsod. Ipatutupad ang ordinansa mula Disyembre 31, 2021 hanggang Enero 1 ng 2022.
Sa ilalim ng naturang batas nglungsod, ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi at paggamit ng anumang uri ng paputok sa nabanggit na lugar.
Sa bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31) hanggang Enero 1, 2022, mag-iikot ang mga pulis at mga barangay officials upang manita at huhuli sa mga nagpapaputok.
Ang sinumang lalabag sa kautusan ay pagmumultahin ng₱5,000 o pagkakakulong ng 30 araw.
Orly Barcala